"Sa fraternity mo kasi mararamdaman ang tunay na kapatiran". yan ang sagot ng mga taong tinatanong kung bakit nga ba sila sumali ng fraternity/sorority, kunsabagay, tama naman sila, ngunit paano nga ba nila nalaman na sa fraternity mo nga mararamdaman ang tunay na kapatiran?.eh di bat hindi pa naman sila ganap na miyembro? dahil ika nga.. may proseso ka pang pag dadaanan. Kung ako ang tatanungin, kung bakit nga ba ako sumali sa isang fraternity, ang aking isasagot ay... "noong una, hindi ko talaga alam kung bakit nga ba ko pumapasok sa ganito, basta ni-recruit lang ako ng dalawang kaibigan ko, tapos ayon umoo na ko, without knowing kung kaya ko ba talaga or ano ang pinapasok ko. Na curious din ako sa mga sabi-sabing masarap ngang sumali, na curious din ako sa salitang "process is process at hazing"
Ngayon na isa na akong ganap na miyembro ng isang fraternity, masasabi kong ang pagsali sa ganitong uri ng samahan ay masaya, masarap ngunit naroon pa rin ang hirap. Masaya kasi kahit may problema ka, yung tipong piling mo eh pasan mo na ang daigdig makukuha mo pa ding ngumiti dahil sa kanila. Masarap, oo, sapagkat kapag may problema ka, problema ng lahat, tulong tulong talaga!. Andyan din yung salitang mahirap, dahil syempre may times na nagkakasabay ang activities ng org at ng pag-aaral mo.
" Masamang impluwensya lang yan!!!". yaan ang pananaw ng karamihan, ngunit hindi ba nila naisip nasa iyong mga kamay din kung magiging masamang imlpuwensya nga ba ang isang fraternity sa pag-aaral o di kaya eh sa pagka-tao mo?. dahil ako, naniniwala ako na kahit kailan hindi naging masamang impluwensya ang fraternity na kinabibilangan ko sa pag-aaral ko o di li kaya eh sa pagka-tao ko. sa mga panahong nahiirapan ako, andyan lagi ang mga kapatid kong naka alalay sa akin.
Tama nga sila. Nararamdaman ko ang tunay na diwa na isang kapatiran. Mahal ko ang "ALPHA SIGMA PHI" katulad ng pagmamahal ko sa sarili ko. Hindi ko man malaman kung bakit sa Alpha Sigma Phi umiikot ang buhay ko... ngunit isa lang ang nasisiguro ko, sa salitang "fraternity", sa "ALPHA SIGMA PHI" nalaman at naramdaman ko ang salitang...
"SISTERHOOD and BROTHERHOOD".
No comments:
Post a Comment